Grabe! Tama na! Sobra na! Palitan na! I support the undertakings of those individuals and groups out in the streets crying for political change. Those opportunistic few who are seated in their undeserved positions must, as a response to our heroes and heroines’ call, step down and face judgment. You don’t belong anywhere here in this country. I wrote this song to show my utmost support to oust those who are deliberately putting our heroes’ and heroines’ triumph in protecting this country, its people and its future in vain. Future is what really matters most to me. I want this country to move out from stagnation. Its time to turn the hourglass as the sand has long been at the bottom.
Dasal ng Bayani
Ang hirap ng ating mga bayani
Sinayang lang ng nakararami
Walang kwentang mga taong nasa gobyerno
Nangungurakot lamang
Mabuhay ang Pilipinas!
Mabuhay ang mga taong
May pakialam para sa pagbabago
Mabuhay ang mga bayani
Mabuhay ang mga Pilipino
Tapat sa ating bayan at sa Diyos
Ang katiwalian ay hindi dapat pinapalampas
Pagkat ito ang dahilan ng pagkasira ng bayan
Tapat na mga tao ang ating kailangang suportahan
May pakialam sa pagbabago ng
Bulok na sistema
Mabuhay ang Pilipinas!
Mabuhay ang mga taong
May pakialam para sa pagbabago
Mabuhay ang mga bayani
Mabuhay ang mga Pilipino
Tapat sa ating bayan at sa Diyos
Ang nangangailangan ay dapat tinutulungan
Ganyan ang tunay na Pilipino
Nagkakaisa tayo
Ang taong may takot sa Diyos ay may
Respeto sa kapwa niya
May pakialam sa pagbabago ng
Bulok na sistema
Mabuhay ang Pilipinas!
Mabuhay ang mga taong
May pakialam para sa pagbabago
Mabuhay ang mga bayani
Mabuhay ang mga Pilipino
Tapat sa ating bayan at sa Diyos
Hindi bala ang ating kailangan
Kundi edukasyon at malayang pamamahayag
Gising mga kababayan, gising mga kabataan
Tayo ay inaabuso ng nasa pamahalaan
Kung kailangang dugo ang ialay
Ialay para sa kinabukasan
“Kayo ang aming inaasahan
Sa inyo nakasalalay ang kinabukasan
Mangarap kayo tulad ko
Makibaka kayo para sa Nayong Pilipino”
“Ang hirap naming mga bayani
Sinayang lamang ng nakararami
Walang kwentang mga taong nasa gobyerno
Nangungurakot lamang”
“Ang hirap naming mga bayani
Sinayang lamang ninyong nakararami
Walang kwentang mga Pilipino
Wag niyong unahin ang sarili ninyo”
Mabuhay ang Pilipinas!
Mabuhay ang mga taong
May pakialam para sa pagbabago
Mabuhay ang mga bayani
Mabuhay ang mga Pilipino
Tapat sa ating bayan at sa Diyos
Umiiyak ang ating piso
Pero hindi kailanman ito’y magpapatalo
Mga luha ng katapangan inaalay sa isang dasal
“Panginoon kami’y iyong tulungan
Tulungan upang maiahon sa kasadlakan
Ang bawat dugo at pawis sa iyo i-aalay
Para sa aming kinabukasan”
Ang taong may takot sa Diyos ay may
Respeto sa kapwa niya
May pakialam sa pagbabago ng
Bulok na sistema
Mabuhay ang Pilipinas!
Mabuhay ang mga taong
May pakialam para sa pagbabago
Mabuhay ang mga bayani
Mabuhay ang mga Pilipino
Tapat sa ating bayan at sa Diyos